(based on my journal
entry dated September 3, 2012, a Monday)
I was reading this book “Lou-Lan Short Stories” by Yasushi
Inoue and, as with most paperbacks, in the last pages of the book, there are
ads for other books, either about Japan or by Japanese authors.
One such book describes Japan as “a learning society.” It
was then that it hit me: If I applied this same description to the Philippines,
would it hold water?
I thought about it a bit and I guess, yes, we are a “learning
society”—albeit to a much lower degree. Now, why is that? I don’t know for
sure. I mean, ours is NOT a boring life—there are lots of things going on all
around us, things we experience and are exposed to as a people. In short, ours
is life IN THE RAW! However, it seems we don’t learn from these things.
In the wake of calamities and tragic events, as a people, we
tend to just romanticize about them (by dwelling on the resilience of the
Filipino spirit), make fun of them (which is not exclusive to Filipinos, by the
way), or simply leave everything to fate (“bahala
na”) or even “blind” faith (by this, I mean faith that has little or no
work to substantiate it).
It’s all cliché to me, and I’m thinking, if these clichés
happen all the time and we can’t seem to do anything to keep them from
happening again, given that, maybe—and just MAYBE—ours is not a learning
society at all.
I sooo hope I’m
wrong.
Or maybe do we learn, it’s just that we easily forget the
lessons. Why? Maybe because we lack the maturity?
I read somewhere that babies are like that: they mind only
things that they see. You hold up a toy to a baby, he recognizes it. But then,
hide the toy away, and promptly, the baby seems to forget the toy exists (or even
existed).
In a way, ang mga Pinoy parang ganun din—lalo na ‘yung mga
illegal settlers na nakatirang nagsisiksikan sa tabi ng mga ilog at estero.
Nakikita lang nila ang danger ng pagbabaha the moment na tumataas na ang tubig.
Pero hangga’t walang baha, hindi nila nakikita o inaalintana kaya ang panganib
na naka-amba sa buhay nila. Hmmm….
Sabi ni late Secretary Jesse Robredo, ang mga Pinoy daw,
more EQ-oriented (as opposed to “IQ-oriented”). We mostly thrive on our emotions—sensitibo
tayo sa emosyon natin at ng ating kapwa, at nagagamit natin ito para
maisakatuparan ang kung anumang adhikain natin. Gaya na lang ng 1986 People
Power. It was a battle won thriving on the people’s EQ.
Naisip ko, mas mahirap bang matuto ng bagong leksyon sa
buhay ang mga taong mas EQ-oriented kesa IQ-oriented? E bakit naman ang mga
bagyo at baha, gaya ng Ondoy I and II? Those were highly “experiential” and
emotional events, and should have fired up our EQs to learn from our mistakes.
And maybe we ARE learning from our mistakes. Maybe we HAVE,
judging from the affected communities’ preparedness and well-rehearsed response
to flash floods during heavy rains.
Unfortunately, short-term solutions lang ang natutunan
natin. Bakit kaya? Hindi kaya dahil HINDI SAPAT ang EQ lang para sa mga
long-term solutions sa mga problema?
Sa nakikita ko kasi, dapat BALANSE ang IQ at EQ. Hindi ka
puro emosyon lang. Dapat may konting esep-esep din.
Ang siste kasi, ang mga leaders natin, ang mga pulitiko
natin, nakiki-EQ din sa masa. Imbes na i-utilize ang EQ-orientation ng mga tao
para mapabuti ang bansa, ina-abuso nila ito para makakuha ng mga boto. Kapag
panahon ng trahedya, namimigay nga sila ng tulong at relief goods (na galing
din naman sa buwis ng taumbayan), pero nakabalandra naman ang mga pagmumukha nila
sa bag ng relief goods nila: “Huwag nyo ako kalimutan ha, tinulungan ko kayo….”
Kapag panahon naman ng kampanya, kung anu-anong ka-kengkoyan
ang pinaggagagawa para ma-stimulate ang emotional interest ng mga botante.
Andung may pahalik-halik sa mga baby, kakain nang naka-kamay lang kasama ng
masa, pakanta-kanta o pasayaw-sayaw sa entablado (kasama ng mga sikat na artista)
para kiligin ang mga tao, etc. —mga bagay na hindi naman nila ordinaryong
ginagawa kapag hindi panahon ng eleksyon.
Naisip ko lang: Hindi kaya ginagawa lang nila ito para
manatiling bobo ang mga tao at madali nilang utuin? Na kaya ayaw nilang
mag-offer ng long-term solutions sa mga problema ng bansa ay para manatiling
nakasadlak sa putikan ang masa—iaabot lang nila ang kamay nila sa mga ito para
tumulong (kuno) pero oras na mahalal ulit sila, sabay bawi rin sa mga kamay
nila. (At sa ganitong paraan, nananatili sila sa puwesto at kapangyarihan,
samantalang ang pobreng masa, andun pa rin sa putikan: nai-angat lang nang kaunti
mula sa pagkakalublob, akala nila natulungan na sila ng trapo).
O hindi kaya….
Sadyang KULANG lang talaga sa IQ ang karamihan sa mga
pulitiko natin? Kulang sa IQ na pang-complement sana sa EQ ng mga Pinoy…?
"IQ is what you do, EQ is how you do it...."