(with excerpts from my journal entry dated April 26, 2012, a
Thursday)
We haven’t turned on our refrigerator for almost a week
already. Para tipid. Mahal kasi ng kuryente. Nag-defrost kami since ubos na rin naman yung food na
nakaimbak sa ref. Pero hindi pa din muna kami mamamalengke.
What we’ve been doing lately is when it’s time for cooking
the day’s meal, tsaka lang kami bumibili ng ingredients. Meron naman kasing mga
tindahan dito sa amin na parang talipapa (limitado nga lang). At least sariwa
pa ang mga pagkain kahit papaano. Mas mahal man nang konting barya ang presyo,
at least mas tipid pa rin kumpara sa konsumo ng kuryente ng ref na maghapon-magdamag
umaandar.
As for cold water or ice, e hindi naman kami mahilig uminom
ng malamig na tubig. Kung gusto namin ng malamig na inumin, pwede namang bumili
ng yelo sa mga tindahan sa tabi-tabi.
The sun is shining so brilliantly outside again. Ang init na
naman sa maghapon.
Natatawa ako sa mga nagbabalita sa TV. Lately kasi, halos araw-araw
nila ina-announce kung ang araw ngayon ba ang naging pinaka-mainit na araw so
far sa taong ito. Ano kayang point nun? E ano naman ngayon kung ang araw na ito
ang pinakamainit so far for 2012? E kung na-endure na naman ng lahat yung
temperature na ‘yun, how does that help us viewers?
Buti sana kung umaga pa lang ina-announce na nila na today
WILL BE the hottest day for 2012.
“O, mga kapuso, kapamilya, kapatid, etc. Ngayon ang
pinakamainit na araw sa taong ito ha. Kaya maligo kayo… (Aray. Ahehe.) Doble
ingat sa sunog. Uminom ng maraming tubig. Yung mga pets nyo, mga aso, pusa,
kambing, manok…ilublob nyo muna sa drum ng tubig. Ano pa ba…? O yung mga pulubi
dyan, yung mga mahihilig mamalimos sa kalye, huwag na muna kayo mamalimos
ngayon ha. Yung konting baryang mapapalimos nyo, kulang pa sa ospital pag
na-heat stroke kayo, etcetera, etcetera….”
Mas may silbi pa, right?
If the announcements were made BEFORE the fact, at least may
warning ang mga tao. Pero, since HINDI PA nga possible yun—yung i-announce in
advance ang magiging temperature ng isang lugar—nase-sensationalize lang ang
isang trivium (singular form of “trivia,” btw) which was simply meant to
communicate na naging napakainit ng nakalipas na maghapon, which in turn, was
obvious to everyone during the day anyway. Nilagyan lang ng number.
“Ah, kaya pala sumakit ang ulo ko, kasi umabot ng 36 degrees
ang temperature kanina…” Geez, what difference is there if the temperature has
reached 35, 36 or 37 degrees? So, pag 35
degrees lang, hindi sasakit ang ulo mo? Of what use is that?
Just me.
O di kaya, bakit hindi na lang nila antayin matapos ang
tag-init, and then tsaka nila i-announce, “And the hottest day on record for
2012 is… (drum roll)…April
something-something!” Yehey! Clap-clap-clap. “Congratulations, April
something-something, you are sooo
hot!” “Oh, thank you, thank you! I would like to thank Fanny Serrano…for my
hair and makeup….”
Bwiset.
Sa init ng panahon kung anu-ano na naiisip ko. Ahehe.
Chapter!
No comments:
Post a Comment