(based on my journal entries dated December
I’m writing this in retrospect. This is based on a couple of
journal entries that I wrote when I was so dissatisfied with my productivity
that I took the time out to analyze my day-to-day activities, and this is what
I came up with.
My day-to-day activities fall under two MAIN categories: (1) things I do for myself, and (2) things I do for others. But then, these categories are somewhat too simplistic. So, I re-classified them further, and I came up with five categories (the fifth one I shall not discuss here as it is, at any cost, NOT an option).
‘Yung apat na categories na lang bale ang idi-discuss ko. They are: chores, errands, markers and diversions.
CHORES
Chores are things we do everyday in fulfillment of who we are and what we are for our families.
They’re basic: you don’t do them, they get back at you. Like eating and sleeping. Or taking a bath. Or brushing your teeth. You don’t do those things, you fall sick.
I should know, it’s happened to me a couple of times already. I mean, I didn’t take a bath for two days, and on the third day, parang lalagnatin na ako. I wonder how people living on the streets could take it.
It’s the same thing with brushing the teeth. I didn’t brush for two days, and the night of the second day, ‘yung mga ngipin at bagang ko naman ang parang lalagnatin, what with those bacteria feasting on my tinga, building colonies, and electing their barangay officials in my mouth. Yep, the heat was on.
But chores are not just limited to personal hygiene. Like I said, chores are things we do in definition of who we are to our families. In my case, as a son to my father, taking care of my aging father is a chore. It’s the same thing if you’re a husband or a wife or an older brother or sister or what. You abandon these “chores,” somehow you lessen your role in the family.
Of course, there are some who are so itching to be independent and live all by themselves that they think it’s okay to be away from their families. But then, the ties remain. You still have chores to do to keep the ties intact.
Sure, you can have a maid come in and do some of the chores. But of course, you realize the essential part of being that person in the family is somewhat compromised.
ERRANDS
Errands are basically things we do for someone else.
Your job is a chore. Your business (if you’re self-employed, that is) is also a chore.
With errands, you CAN choose to get paid. Somehow, merong blur.
Pag nagpatulong ba sa ‘yo para sa school project nila ang bunso mong kapatid, chore ba ‘yun o errand? Depende. Pag siningilan mo siya ng bayad, then errand na ‘yun. ‘Yun nga lang, anong klaseng kapatid ka naman nun, right?
So, it’s really all a matter of perspective. In my case, my sister asks me to do something for her, minsan naniningil ako, madalas hindi. Depende sa bigat ng trabaho; depende rin kung dumadalas na yung masyadong reliance sa ‘yo.
May mga tao kasi na hindi marunong magpahalaga sa relationship. Pagbigyan mo minsan, gagawing madalas ang pagpapatulong sa ‘yo. Gagawin kang doormat. Hindi naman tama ‘yun. Kung may chores kang dapat gawin para sa kanila, may chores din naman silang dapat gawin para sa ‘yo.
But this is not just for the sake of being “ma-kwenta.” I’d gladly do chores for people for a noble cause, for example. Or people in dire straits. Huwag lang aabuso. Ang habol ko dito: matuto kaming lahat sa tamang pakikipag-kapwa. ‘Yun lang yun.
MARKERS
Eto ‘yung mga ginagawa mo para sa sarili mo. Or para sa ego mo? Pakialam ko ba sa mga id at ego na ‘yan.
Markers are things we do in fulfillment of our being. Mga bagay na ginagawa natin para i-assert ang kabuluhan natin sa mundo. Parang ‘yung Mona Lisa at Last Supper ni Leonardo da Vinci. Or yung E=mc² at Theory of Relativitiy ni Einstein. Mga bagay na nag-a-assert na special ang buhay natin, na hindi tayo aksidente lang, na tayo ay narito ngayon kasi mayroon tayong special na purpose sa mundo.
Syempre, there are people who take it differently. Si Adolf Hitler, halimbawa. Or yung mga religious fanatics na nag-iisip na ‘di bale nang magpakamatay, basta maisakatuparan lang ang misyon nila sa buhay. Talaga naman…tsk tsk tsk.
Right now, I’m thinking: ang mga markers ba, trip-trip lang? As in, kunwari trip mong maging sikat, so gumawa ka ng video na parang tanga lang, tapos in-upload mo sa Youtube? Hahaha. Wala lang.
Depende ata ang markers mo sa kung anong naiisip mong kaya mong gawin sa buhay. Dati kasi, hindi ako marunong magsulat, pero dahil andun yung interes at drive ko, natuto rin ako. Pero ngayong marunong na ako magsulat (kahit paano), iniisip ko naman ngayon: para saan naman kaya itong pagsusulat ko? Para pagkakitaan?
Kung para sa pagkita lang pala ng pera ang pagsusulat ko, e wala palang special sa pagsusulat ko—kasi halos wala rin akong ipinagkaiba sa mga milyon-milyong empleyado sa buong mundo na pumapasok sa trabaho para kumita lang ng pera. Besides, magiging “errands” lang ang pagsusulat ko.
Not that I’m undermining people who work here. From the way I see things, I am actually undermining myself: Nakakahiya ka, Mok, kasi binigyan ka ng special gift, and yet nagpapaka-“regular” ka lang.
DIVERSIONS
Eto yung mga sinasabi ng mga matatanda sa probinsya kapag pinagsasabihan sila ng mga anak nila ng, “Inang naman, bakit naman nagbabad na naman kayo sa Bingo?” “Anak naman, dibersyon lang naman ‘yun….” O di kaya, “Tatay, iinom na naman kayo?” “Dibersyon lang ‘to, anak. Minsan lang naman….”
Diversions are important. Basically, they are “the much-needed break” we need to get our minds off the day-to-day preoccupations that wear our minds out. For example, si Archimedes, isang Greek philosopher/mathematician. Binigyan siya ng challenge: alamin daw niya kung gaano kadami ang alloy na kasama ng ginto sa korona ng Hari ng Syracuse.
Syempre, tipikal sa mga scientists ang grabeng konsentrasyon
nila. Sa sobrang focus niya, si Archimedes, nakalimutan niyang kumain, maligo,
etc. Sabi ng asawa niya, “Ambaho mo na; maligo ka kaya?”
‘Yung pagligo bale ang naging diversion ni Archimedes. Nang isinawsaw na niya yung paa niya sa bathtub na puno ng tubig, napansin niya na tumaas ang lebel ng tubig pagkalublob ng paa niya. Ayun, nadisubre niya ang prinsipyo ng volume displacement, at napasigaw siya ng “Eureka! (I have found [it])!”
Sa diversion kasi nangyayari yung pagre-relax ng utak natin. Nakakapagkunekta ang mga neurons natin ng bagong kuneksyon, enabling us to think “outside of the box.”
Ang problema, andaming Pinoy na puro dibersyon lang ang ginagawa sa araw-araw. Nakababad sa computer, naglalaro ng DOTA maghapon at magdamag. Nakababad sa sugalan at inuman. Nakatuon lagi ang isip sa chismis at pakikipag-date, Facebook at Twitter. Talaga naman….
RULES
Iniisip ko, kapag namatay na tayo at binigyan tayo ng pagkakataon na lingunin ang naging buhay natin, gaano kaya ka-kumportableng sabihin: “Ang buhay ko ay ISANG MALAKING DIBERSYON.” Ahehe. O di kaya, “Naging ISANGMALAKING ERRAND lang pala ang buhay ko….” Etc.
Nota bene: The four categories I enumerated here are NOT clear-cut definitions. Often, they meld into each other.
Pwede kasi na ‘yung trabaho mo pala (“errand”) ay nagpo-provide din pala sa ‘yo ng avenue para magamit mo ang special talent mo sa pagtulong mo sa kapwa (“marker”). Or yung pagbababad mo pala sa Facebook (“diversion”) ay para makatulong sa pagpo-promote mo ng negosyo mo (“errand”) o di kaya, para regular mong makausap ang mga mahal mo sa buhay na nasa ibang bansa (“chore”), or better yet, ginagamit mo para sa advocacies mo bilang isang internet activist (“marker”).
Nagkakatalo ‘yan sa mismong perspective mo, or kung ano ba talaga ng sitwasyon mo ngayon sa buhay.
Sa kaso ko, dahil ako ay part-time bum at part-time self-employed, kailangan kong bantayan yang mga categories na ‘yan para maging productive ako.
Here’s the fun part.
After classifying your day-to-day activities into the said categories, you now make up your OWN rules about it. Sa sitwasyon ko, anlaki ng temptation na malulong ako sa dibersyon: nood ng TV, kain ng chichirya, etc., to the point na nakakalimutan ko na ang mga dapat kong gawin. So, here are the basic three of MY rules:
(1) All CHORES and ERRANDS should follow a definite schedule;
(2) Because I have plenty of time in my hands left after chores and errands, I MUST take the time to work on my MARKERS: writing, painting, etc.;
(3) DIVERSIONs are my reward to myself. I will engage in DIVERSIONS only if a substantial amount of ERRANDS or MARKERS have been accomplished.
Yeah, right. Ahehe.
I do break the rules from time to time. But then, after a week has passed, I look back on the things I’ve accomplished so far and I’m quite content. At least, masasabi ko na isang linggo man ang dumaan, naging productive naman ako. Na hindi ako basta nilipasan lang ng mga araw, na meron akong naging accomplishment kahit paano.
Now that I've written this ("marker"), I suppose it's time to pamper myself with a little "diversion"…. Yehehehey!
No comments:
Post a Comment