(with my journal entry
dated August 1, 2012, a Tuesday)
First birthday ng isa sa mga bata dito sa amin. Si Jewel. We
call her Juweweng. Everyone’s busy. Maulan nga lang. May bagyo kasi.
‘Yung kapraningan ko early this year—about December 19, 2012
being the end of life as we know it—bumalik. It seems things are happening
again that point toward that. Ewan.
Right now, I’m thinking of growing fat. I’m worried about
famine when “the end” starts happening. Sa napanood ko kasi sa National
Geographic, fat people tend to survive longer in times of famine. Nauuna kasing
“kainin” ng katawan ang fat reserves for energy—that is, kung wala na talagang
makain ang isang tao. Kapag naubos na yung fat reserves, kasunod naman “kinakain”
ng katawan ‘yung mga muscles.
Now, kung hindi na makakilos ang isang tao dahil halos
buto’t balat na lang siya, tsaka naman magsisimula ngayon yung pagsa-shutdown
ng mga sistema ng katawan na hindi naman talaga kailangan para ma-sustain ang
buhay. This is to divert a person’s remaining energy to functions that are really
essential for living, e.g. respiration, heartbeat, etc.
Magsa-shut down ngayon ang digestive system (kasi nga kung
wala ka na kinakain, ano pa ang ida-digest mo? Sayang lang yung energy),
excretory system, etc. —mga functions na hindi naman talaga basic para
manatiling buhay.
Lastly, kapag walang-wala na talaga, magsa-shutdown naman yung
part ng brain that helps us distinguish between right and wrong. Medulla
oblongata* nga ba ‘yun? Now, dahil wala na tayong sense of right and wrong, we
become like animals—reduced to our instincts in order to survive. We’d eat
anything, even each other, and we won’t even be squeamish about it anymore.
Scary, right? But then we probably won’t be scared kasi we would be too insane
to be scared by then.
Kawawa naman yung mga taong walang immediate access sa
pagkain—yung mga taong hindi nakapag-stock ng food supply or hindi maka-move
from place to place in order to find food. People would pray that death come
quicker. Pero with just food scarcity threatening life, it would be a slow,
agonizing death. Forty days**? Parang narinig ko dati, man can survive without
food for forty days. I’ll check that one out if it’s correct.
Now, I’m wondering if suicide would be an option. I mean,
for a deranged man whose instincts are focused on survival, would suicide even
figure as an option? Oo siguro. Pero that would probably happen bago pa tayo
masiraan ng bait. I surely hope it wouldn’t have to come to that. Hmm . . . e,
bakit ko nga ba iniisip na magpataba? I mean, kung mataba ako, mas mahaba pang
paghihirap dadanasin ko; whereas kung payat naman, sandali lang tepok na. Would
I really want to last that long before I die? Geez.
But then, all that I’ve discussed so far is just the grimmer
side of the coin. Malay natin, may mga rescuers naman pala. O di kaya, paano
pala kung may pagkain naman na available, didiskartehan mo na lang para makuha? So,
kailangan mo pa rin talaga makatagal. Expect the worst ba? With such scenarios,
mas preferable pa ba ang tsunami? O ang mga solar flares na sa sobrang intense,
instantaneous death naman agad? Siguro nga.
But right now, as much as I don’t want to be hedonistic
about this, I can’t. May birthday party sa kabila. Dami food. Happy birthday,
Juweweng!
*It’s the cerebrum. Dumb ass! Lol.
**It’s 7–9 weeks, or about 42–63 days, estimate of how long a man can survive without food.
No comments:
Post a Comment