(excerpt from my
journal entry dated July 23, 2012, a Monday)
I was watching TV last night, and then CSI came on. Bigla ko
naalala, may nabili nga pala akong novelization ng isang CSI episode. Hindi ko
pa nababasa. Kaya kagabi, naghalungkat ako ulit sa library namin. Nakita ko
naman 'yung libro, pero katakut-takot na halungkat ang ginawa ko.
Sa kakahanap ko, andami kong nakitang libro na na-“miss” ko
na. Mga libro na nabasa ko na at nagandahan ako. Mga librong nasimulan kong
basahin pero hindi ko natapos.
Nang nagligpit kasi sila Ate Gina dito sa library, tinago
nila nang husto 'yung mga libro. Hindi kita 'yung spine. So, kagabi, inilabas ko
lahat and ayun nga, andami kong nakita. Pati 'yung matagal ko nang hinahanap na
libro ni Albert Camus, “The Stranger,” andun lang pala. First person nga pala
ang pagkakasulat niya. Akala ko, third e. Pero okay pa rin.
Nanaginip pala ako kagabi. It was very remarkable kasi
dalawang episodes 'yun ng iisang panaginip lang. Putol sila, pero 'yung daloy ng “istorya”
nila, continuous.
High school daw ulit ako. May test daw kami. Anghaba. Madadali
lang ang tanong pero mahaba. Katabi ko 'yung batchmate kong babae. Ambilis niya sumagot ng
test. May na-develop siyang sistema ng pagsagot dun sa pangalawang part ng
exam. Sine-share niya sa akin. E, since wala pa naman ako dun sa part na 'yun ng
exam, hindi ko muna ginawa 'yung sistema niya.
Ambagal ko sumagot sa test. May isang part sa exam na naguluhan ako sa instruction. So,
I stood up and went around, looking at how my classmates were answering it.
Divided into groups ang mga kaklase ko. In the middle of each group, may
malaking bandehado ng sinangag (Yangchow fried rice) sa harap nila. Tapos, sa pagsagot nila sa exam,
sinasawsaw nila 'yung lapis nila dun sa sinangag at nagdo-drowing sila
sa surface ng sinangag. That dream ended with the teacher asking me to collect the papers.
Nagising ako.
After some time, nakatulog ako ulit. Tapos nanaginip na
naman ako. Pero yung panaginip ko this time, continuation lang nung unang
napanaginipan ko. Tinatanong daw ako ni teacher, bakit daw hindi ko pa kinokolekta
yung mga exam papers.
Nakakainis. E ako nga, hindi pa tapos e. Naku naman ‘tong si
Ma’am, o . . . . Chapter!
No comments:
Post a Comment