Search This Blog

Sunday, November 4, 2012

Ready?


(excerpt from my journal entry dated September 7, 2012, a Friday)

Punta ako Ortigas ngayon. Mag-i-invest. Naks! Maliit lang naman. Para na rin kay Tatay. Tapos, kapag lumago, at least kahit paano, may panggastos siya.

I was thinking of that old man and his wife that Eat Bulaga! visited in their Sugod-Bahay portion some weeks ago. Sabi ng matandang lalaki, nag-iipon daw siya ng pera para pag dumating daw ang panahon na mamatay na siya, kahit paano may panggastos siya pamburol at pagpalibing.

It’s a morbid thought, but makes a lot of sense. Lahat naman tayo mamamatay e. Una-una lang. Mabuti na ‘yung handa.

When I brought up my plan with my sister, nainis pa siya. Bakit daw ganun ako mag-isip. E sabi ko, hindi naman kawalang-galang ‘yun. Nagiging handa ka lang naman sa sigurado rin namang mangyayari. Syempre, ako mismo, ayoko rin naman mangyari ‘yun agad-agad. Pero, just in case na mangyari nga ‘yun, sigurado ako na kahit si Tatay mismo, ayaw niya na mataranta kami kasi hindi kami handa.

Andami kasing Pinoy ang hindi handa sa buhay. Puro day-to-day lang ang iniisip. Kapag nakahawak ng malaking pera, bili dito, bili doon. Parang walang bukas. Parang hindi sila mao-ospital, mamamatayan, o magkakaroon ng kahit na anong emergency. Ayoko ng ganung buhay—isang kahig, isang tuka. Tapos, laging nagse-self pity. Laging nagpapa-awa sa ibang tao para tulungan sila. Kinaiinisan ang mga taong ganun.

Ang siste: paano pala kung kamag-anak mo? Pag sinabihan mo naman, ikaw pa ang masama. Tumulong ka nga naman daw, e bakit daw isinusumbat mo ang tulong mo. Ewan.

I wonder how the Jews do it. I wonder how the Chinese do it.

We have much to learn from them. They thrive on extended families. Nagtutulungan sila. Pero ang alam ko, may limit ‘yung pagtulong nila sa kamag-anak nila. Hanggang tatlo o apat na beses lang ‘ata. Papahiramin ka nila ng puhunan. Kung malugi ka, pwede ka pang umutang ulit. Meron ka pang dalawa o tatlong chance para makapagsimula ulit. Leverage. Pero hindi pwede abusuhin. Kasi nga, may limit.

Nang nagpunta pala ako sa Chinatown one time, napansin ko sa isang restaurant doon, may announcement. ‘Yung meeting daw ng “council of elders” nila, na-move ang schedule. May “council of elders” ang Chinatown? Anggaling a.

Naisip ko, hindi ka naman siguro magiging miyembro ng konseho na ‘yun kung wala kang malasakit sa community mo. Ganun dati ang mga sinaunang societies. May mga wise old men and women ang nagga-guide sa buhay ng komunidad.

E ngayon, ano? Mga pulitikong nananalo lang sa eleksyon. Dinaan lang sa pera at palakasan ang pagiging lider. Wala na ngang wisdom at malasakit, corrupt, kurakot at KSP pa. Ewan. Chapter!

No comments:

Post a Comment