Search This Blog

Sunday, December 16, 2012

Snap!


(excerpt from my journal entry dated September 27, 2010, a Monday)

Nagbabasa ako ngayon ng libro ni Robert Kiyosaki. Guide to Investing. Naisip ko mag-start ng isang komiks magazine tungkol sa financial independence, pagpapayaman, etc. Pwede rin tungkol sa pangangalaga sa kalikasan, o kahit na ano may maitutulong sa kaalaman ng mas maraming tao, partikular na sa masang Pinoy.

Isip ko, karamihan sa mga Pinoy hindi mahilig magbasa kasi more visually inclined sila. Pagkagising ba naman sa umaga, TV kaagad ang kaharap, ano pa aasahan mo? Sobrang TV. Nakakainis, kasi puro mga nakakabobong palabas lang ang kadalasan napapanood sa local TV. Sabi ko dati sa mga kaibigan ko sa training, malaki ang papel ng media sa pagpapabobo o pagpapatalino ng mga Pilipino. Up to now, ‘yun pa rin ang paniniwala ko.

Tapos, nangyari nga yung August 23, 2010 tragedy. Isang dating pulis ang nang-hostage ng mga turistang Chinese from Hong Kong. Tapos napatay niya ang ilan sa mga iyon.

Nag-snap daw kasi yung hostage-taker sa loob ng tourist bus matapos niya mapanood yung mga nangyayari sa labas. Yung kapatid niya kasi, umeksena pa. Nag-drama. Wala na ngang naitulong sa sitwasyon, parang sinusulsulan pa 'yung kapatid niya. Hinuli tuloy ng mga pulis.

E lahat ng nangyayari, napapanood pala ng kapatid niyang hostage-taker sa loob ng bus. Dahil na rin sa media na halos lahat ata ng detalye ng nagaganap sa labas, ibinuyangyang sa publiko. Ultimo yung planong pag-atake ng SWAT at yung posisyon ng mga snipers, ibinuking. Ampota.

Tapos ngayon nga na may mga napatay na hostages at nagalit na nga ang mga taga-HK, isip ng media maaari daw na may pagkukulang sila. Pagkukulang lang ba? Sa araw-araw na nagpapalabas sila ng kabobohan at kaartehan ng mga artista nila, pagkukulang lang ‘yon? I say media companies are remiss in their responsibilities when they distract people from the more important things in life. Kelan kaya sila magigising?

Balak ko pala sumulat sa kongresman namin at kay Pnoy sa website niya. Gusto kong mag-lobby ng batas na magkakaroon ng universal classification of consumer wastes as produced by manufacturers. Simpleng klasipikasyon lang: A, B, C, D, etc. “A” para sa nabubulok; “B” para sa di nabubulok; etc. Mas madali tandaan. Parang traffic lights lang na red, green at yellow.

Pero ang pagka-klasipika ng basura, hindi publiko ang gagawa. Mismong mga product manufacturers na ang gagawa nun. Ilalagay nila sa packaging ng mga produkto nila: “Ang pambalot ng produktong ito ay klaseng 'A' at dapat na itapon sa mga 'A' na basurahan lamang.”

Manufacturers na dapat ang gumawa ng pagka-classify, sa sobrang dami ba naman ng packaging na pinambabalot nila sa mga produkto nila, tapos hindi naman pangmatagalan ang gamit—pagkabukas ng produkto, tapon agad yung balot.

E, kung may label na yung packaging na “A” or “B,” etc., hindi na mag-iisip yung magtatapon kung sa aling basurahan ba niya dapat itapon yung basura niya. Segregation na agad bale.

Responsibilidad ito ng mga manufacturers na produce nang produce ng basura kaya dapat lang, sa lebel pa lang nila, responsable na sila. Chapter!

After the Gold Rush (Neil Young) - Patti Smith

No comments:

Post a Comment