Search This Blog

Tuesday, December 11, 2012

Tungkulin ng Malalakas


(excerpt from my journal entry dated October 5, 2012, a Friday)

Kahapon, noong pinaliliguan ko si Tatay, habang inaalalayan ko siya sa pagtayo, siguro na-insecure siya sa tayo niya kaya bigla niyang nasabi na baka matumba daw siya. Sa isip ko, walang dahilan para mag-isip siya nang ganun kasi inaalalayan ko naman siya.

Pero naisip ko rin, siya naman kasi ang nakakaramdam noon—kung tutumba ba siya o hindi. Pero naisip ko rin, kung siya man ang nakakaramdam noon, ako naman na mas malakas sa kaniya ang magdi-determine kung matutuloy nga ba ang pagtumba niya o hindi.

From this incident, may mga realizations na dumating sa akin:

·         Na sa buhay natin, may mga taong mahihina at malalakas, at sila ay nagtutulungan (kahit hindi nila alam);

·         Na walang iisang paraan ng tamang pagtanaw sa buhay;

·         Na ang takot ng isang mahinang tao ay hindi dapat manaig kung may masasandigan naman siyang tao na may malakas na katawan at isipan sa pagharap sa buhay;

·         Na kapag may maaasahan kang tao na may malakas na katawan at isipan upang mapunuan ang iyong kahinaan, ang takot ay pagsasayang ng panahon lamang;

·         Na ang mga taong may malakas na katawan at isipan ay dapat na manaig sa takot ng mga mahihina at matatakutin;

·         Na madaling kumalat ang takot, madali itong makahawa, at sa bandang huli, maaari itong makapagpabagsak ng isang pamilya, komunidad o bayan;

·         Na tungkulin ng malalakas ang tulungan ang mga mahihina sapagkat iyon, higit sa anupaman, ang siyang nagbibigay sa mga malalakas ng karapatan upang manaig (o kahit mamuno pa) sa isang lipunan;

·         Na kapag hindi tumupad ang mga malalakas sa tungkulin nilang tumulong sa mahihina, nawawalan ng saysay ang pagiging malakas nila; sila ay dumadagdag lamang sa takot at mga pasaning umaalipin sa isang bayan.

No comments:

Post a Comment