(excerpt from my journal entry dated November 28, 2011, a Monday)
Last night, naubusan ako ng kanin. Hindi nagpasaing si Tina. May kanin pa naman kasing natira. Kaya lang hiningi naman nila Sabel. Akala ko may itinira pa sila. Yun pala, wala na. Banas na banas ako. Nagdabog ako nang nagdabog sa kusina. Oatmeal lang ang kinain ko, tapos lumabas ako ng bahay. Dapat bibili ako ng Kowloon siopao and siomai. Kaya lang, sasakay pa ng jeep. So, nag-7-11 ako. Hotdog sandwich dapat kakainin ko. Kaso, nililinis nila yung steamer nila pagdating ko. Kaya ayun, Minute Burger ang bagsak ko.
Hindi din ako nag-enjoy. Ewan. Hindi na din ako gaano nasasarapan sa Minute Burger ngayon. Tapos, yung tindera, mukhang walang pakialam sa mundo. Humingi ako ng tissue. Wala na daw sila ng tissue. Hay. Muntik ko na masabi, “Sa kakatipid nyo sa tissue, naubusan pa kayo?” Hindi kasi sila automatic nagbibigay ng tissue sa mga customers nila. Tapos, nung sinabi pa niya na wala na silang tissue, ni hindi man lang siya humingi ng pasensya. “Pasensya na po, naubusan kami ng tissue.” Hindi ba itinuturo sa kanila yun?
Itong si Kuya Dennis, nagsisigarilyo na naman. Amoy ko dito sa kwarto yung usok nya. Ansakit sa ilong. Pag yumaman ako, ipagpapatayo ko ito ng tower e. Dun siya sa tuktok ng tower magsisigarilyo.
Bwiset na ballpen to. Hindi pantay ang sulat. Ito pang sipon ko, ayaw pang umalis. Ewan ko ba. Aburido ako ngayon. Kagabi pa. Pero sa tingin ko mawawala rin ito maya-maya lang. 12 pa ako kailangan sa nutrition club ko. Dami ko pa dapat gawin before ako pumunta dun. Hay. Chapter muna!
No comments:
Post a Comment