Search This Blog

Saturday, February 18, 2012

Radio gaga

(my journal entry dated November 28, 2011, a Wednesday)
Good morning! Sa inyo, sa inyo, at higit sa lahat, sa inyo. Ahehe. No, I’m not really in a good mood this morning. It’s just that I wanted a more “alive” introduction, and what else is more fitting, right? It’s past 5 a.m. I feel like a radio disc jockey. Except of course I’m writing this down instead of saying this on the mic. Hmm…how do I start the morning show, that is if I were indeed a dj? Hmm….
I’d start with a bit of Gregorian chant. Hey, this is my show, ok? I know, I know. Andaming matu-turn off. Ayaw na makinig. E parang Johnny Midnight lang naman yun e. Except syempre Gregorian Chant is not new age. Pang-relax lang ba (hmm…kakagising lang, tapos relax?) or pangpa-perspective(?) or pampakalma ng utak after being awakened by a most “distressing” alarm clock.
San na nga kaya si Johnny Midnight? Still alive? Yata. Napanood ko ata siya sa TV just last year. Naging fan kasi ni Nanay, ay mali pala. Naging fan ni Johnny Midnight (JM from here on) si Nanay dati e. That was in the early ‘80s. Madaling araw pa lang (or was it midnight?) gising na si Nanay and nakatutok na sa radyo. Meron din syang pyramid. Actually, dalawa yun. Yung isa, assembled from metal rods na kulay chrome yellow (or was it gold?), and the other one (which was much smaller) was made of cardboard na pwedeng isuot sa ulo na parang sumbrero.
Looking back at it now, nakakatawa. Pero, again, may senti kaunti. It’s part of your growing up years, syempre. May parang mantra (o dasal?) pa nga noon na nire-recite si JM. “Ako ang buhay, punlaaaa ng Lumikhaaaa….” Tapos susundan ng kanta ni Kuh Ledesma na “Bulaklak.” Ahehe.
Minsan, pag sobrang aga ako nagigising, pinapainom ako ni Nanay ng “toning” water. Whoa! Ngayon ko lang na-realize na yung “toning-toning” na sinasabi nila ay “toning,” as in the English word na “toning” (tow-ning), as in getting one’s body “toned” (tama ba?). Or was it “tuning,” as in getting your body “attuned” with the universe? Parang yung Buddhist chanting na ginagawa ni Tina Turner? “Ohmmmm….” Yung sa Beatles na kanta na “Across the Universe”? “Jai guru, deva…ohmmm…nothing’s gonna change my world….” Ahehe.
Of course, later on, when JM got passé, Nanay went on to El Shaddai. Again, early morning din, pero more charismatic Christian/Catholic naman. May programs talaga sa radio, pero ang naaalala ko talaga yung pagdating ng 6 a.m., pinapatugtog yung “Glory glory allelujah…In truth we’re marching on….” Senti na naman.
Si Nanay kasi ma-radyong tao yun. Nagluluto, naglalaba, namamalantsa, naka-radyo yun. And that was even before FM radio became popular, before pa naging Ingglisero at Ingglisera ang mga disc jockeys. I think.
Naaalala ko ang boses nila Helen Vela tsaka Tiya Dely. Para sakin, voice of reason sila e. Gabay ng mga tao. Ewan ko ba. Parang noon kasi, sila yung guide ng mga nanay noon. E ngayon, sino guide ng mga tao? Mga korning DJ. Ewan.
Just now, naririnig ko sa isip ko yung kanta ng Tatlong Pinoy (or was it Tatlong Itlog?). “Huwag kang tatanga-tanga…pagkat walang ospital sa taong tanga….” I remember this song kasi my kindergarten classmate used to dance to this. Ahehe. Home-grown talaga ang humor ng mga tao noon e. Tsaka ang galling ng timing. But enough of that…what’s next on my playlist?
Hmm…probably a couple of Bach or Mozart, and then Sim City 4 soundtrack. Yeah! Depende sa mood. Like if it’s not raining in the morning, Sim City 4 is cool. Pero kung maulan, pwedeng bossa nova. Talaga namang kina-career ang pagiging dj e. Ahehe.
It’s 6 a.m. already. I feel like going to the bathroom already. Nakaka-CR din kasi minsan ang pagse-senti. Ahehe. Is that Freudian? Eto naman kasing si Freud, may mga stages pa daw na oral, anal, etc. Ewan ko sayo. Last two lines na. I’ll finish up with a couple of lines from a favorite commercial jingle. “Rufina Patis, Rufina Patis…patis na may uring kataas-taasan. Ang patis Rufina’y pampalinamnam….” Yeah! Chapter!

No comments:

Post a Comment