Blangko
Blangko. Blangko ang utak ko. May nagtanong sakin dati kung may panahon ba daw na naipapahinga ko ang utak ko. Kala ko nagbibiro lang siya kasi ang alam ko 24 hours a day ang andar ng utak ng tao, whether gising o tulog. Pero posible daw yun e. Yung blangko lang ang isipin mo. Wala kang iniisip or pina-process na kahit anong idea or kaisipan sa ulo mo. Hayaan mo lang na dumating sa diwa mo ang kahit anu-anong kaisipan nang walang censorship o judgment. Passive ka lang. Hmmm... Ano naman kaya mahihita ko dun kung sakali? Maipapahinga ko ang utak ko? Sabagay kelangan ko din ipahinga utak ko. Sobrang gamit na gamit na e. Hindi na mabebenta. Hehe. Yung sa iba kasi slightly used pa lang. Ahehe. Hay. Isang araw na kaytamad-tamad ko. 7 a.m. na. Dapat 8 a.m. pa ako gigising e. Pero natatamad din naman akong matulog uli. Ano ba naman yan? Pati pagtulog kinakatamaran ko. Ahehe.
I want to get away
I want to get away. Experience something new. Yung mala-Simcity 4 na laro na experience, in particular yung sa god mode. With its soundtrack playing in the background. Pero gusto ko yung mas tunay. As in parang spirit lang ako na nagpapalutang-lutang or nakakalipad sa kalangitan, looking down on God's creation, marveling at the briliance of the sun shining down on the earth and the sea, above the mundane in this life. Kung mangyari kaya yun, di kaya magsawa din ako agad? Pero mas okay sana kung pwede yun. Yung pwede ka mag-switch between buhay mundane (as in you're intimate with human life) and then yung buhay spirit (kung saan detached ka from all human concerns and just marveling at God's creation in all its beauty). Chapter!
No comments:
Post a Comment