(excerpt from my journal entry dated October 7, 2010)
Ideas. Ideas. Mas gusto kong nagsusulat tungkol sa mga ideas. Dati, ayokong nagsusulat ng mga ideas kasi sabi ng teacher ko sa college, masyado daw mabilis ang dating ng mga ideas sa akin at hindi makasabay ang pagsusulat ko. O baka naman mabagal lang ako magsulat kumpara sa dating ng mga ideas sa isip ko?
Dati, gusto ko matuto mag-steno. Pero sa tingin ko ngayon, hindi na siguro kailangan kasi mukhang nakakasabay na—as in nag-ja-jive na—‘yung dating ng mga ideas at ang pagsusulat ko. Nagkakasabay na sila. Parang nag-aadjust ang isip ko sa limitasyon ng pagsusulat ko.
Dati, gusto ko matuto mag-steno. Pero sa tingin ko ngayon, hindi na siguro kailangan kasi mukhang nakakasabay na—as in nag-ja-jive na—‘yung dating ng mga ideas at ang pagsusulat ko. Nagkakasabay na sila. Parang nag-aadjust ang isip ko sa limitasyon ng pagsusulat ko.
Pag nagsusulat ako dito sa journal, parang pagsusulat ng mga tao noon, noong hindi pa uso ang computers. Ilang taon din kasi akong naging dependent sa computer sa pagsusulat e. Noong ganoon pa ang sistema ko, madalas nakatunganga lang ako sa computer monitor kasi nauubusan ako ng isusulat. Mabuti na rin ito. Dire-diretso lang ang sulat ko. Walang pakialam sa outcome ng buong “article.”
Sabi nga ng nabasa ko sa isang magazine on writing, mas mainam daw na magsulat ka nang magsulat ng kahit na ano. Di hamak kasi na mas madali mag-edit ng mga nakasulat na, kesa mag-edit ng mga blangkong pahina. Tama nga naman. Pero hindi ko akalain na karamihan sa mga naiisip ko kababawan. Akala ko dati matalino ako kasi akala ko malalalim lahat ang mga ideya na pumapasok sa isip ko. Tapos nang nagsimula na ako magsulat dito, wala lang pala. Nauubusan pa nga ako ng sasabihin e. Hehe. Daanin na lang sa tawa.
Siguro ang gagawin ko na lang, magsusulat ako ng mga topics (mga malalalim na topics) sa maliit na notebook ko, tapos yung mga topics na yun ang i-e-expound ko dito. Ganun na nga lang siguro. Gaya nyan, naubusan na naman ako ng sasabihin.
Gusto kong sumali at manalo sa Palanca Awards. Di dahil sa anupaman, naisip ko lang kasi yung prestige kapag nanalo ka doon. It would somehow help me have people take a second look into the ideas I write about. Ang hirap kasi dito sa society natin, kahit pa qualified ka, as long as hindi ka titulado, hindi ka papaniwalaan. Or dapat nagpakabihasa ka muna sa isang larangan bago ka makapagbigay ng kuro-kuro sa isang specialized na problema. Naisip ko tuloy yung sinabi ni Leonardo da Vinci: Para masabing matalino sila, mas maraming tao daw na mas gugustuhin pang mag-quote ng trabaho ng ibang dalubhasa kesa mag-isip para sa sarili nila. Hmp! Chapter!
No comments:
Post a Comment